Kampanang Ginto ng Cabuyao, Laguna
Nasaan na nga ba?
Ang Kampana sa tuwing nasisinagan ng araw ay kumikinang na parang ginto.
Kaya tinawag itong Kampanang Ginto.
Mula pa daw ito sa Mexico.
Ayon pa sa matatanda, sobrang lakas ng tunog nito.
At minsan napapaaga manganak ang buntis kapag naririnig ito.
Dahil ang kampana ang naging taga gising tuwing umaga.
Nagtaka sila kung bakit walang anumang tunog ng umagang yaon.
Ayon sa sanaysay ng mga nakasaksi.
Sobrang lakas ng ulan noon, lumambot ang lupa at gumuho ang simbahan
sa kinatatayuan nito sa lawa ng Brgy. Marinig.
Nakita ito ng mga tao at agad kinuha
sa kagustuhan nilang isalba ang Kampana
Napadpad sila sa ilog ng Brgy Mamating ngayon ay Brgy. Mamatid.
Naabutan sila ng mga Guwardiya Sibil,
napaghinalaan na Pirata ang tinutugis nila.
At pinataob ang bangka at kasamang lumubog ang Gintong Kampana.
Noong panahon ni Presidente Marcos,
pinahukay kung saan nahulog ang Gintong Kampana.
Ayon sa mga taga Mamatid,
pinapalawak lang ang ilog.
Ayon sa isang saksi, ang Kampanang Ginto ay muling nahulog hanggang sa hindi na muling nakuha.
Ito ay kwento lamang ng matatanda noon sila ay nabubuhay pa.
Nasaan na nga ba ang Kampanang Ginto?
Ang larawan po na nasa taas ay hindi orihinal na Kampanang Ginto.
Buwayang Ginto ng Cabuyao, Laguna
Nasaan na nga ba?
Ang gintong buwaya na hinukay sa likod ng simbahan noong panahon din ni Presidente Marcos.
Ang mismong nakasaksi nito ay
nasa taas ng kampanaryo kasama nito ang isang kababata noon.
Nakita nila ang gintong buwaya na isinilid sa baol ng dalawang sundalo.
Nasa isang metro ang haba.
Sa takot nila sa mga sundalo,
Doon na lamang sila sa kampanaryo nagpalipas ng gabi.
St. Clare of Assisi
Nasaan nga ba ang Campo Santo?
Ang sementeryo na nasa tapat nang simbahan ng St. Policarp Parish
ay tinawag na “Campo Santo”.
Pinagawa sa pamumuno ng prayle na si Fray Mariano Gomez
at alkalde na si Jose Deasanta Rivera noong 1852.
Kinatatayuan ito ngayon ng “Poor Clare Monastery”
sa Brgy. Uno, Cabuyao, Laguna.
Ang mga deboto na pumupunta ay naghahandog ng itlog
para ipagdasal na magkaroon sila ng anak.
At mayroon din para ipagdasal kung masama ang panahon.
Ang mga handog na itlog ay binabahagi naman para sa mahihirap.
Dahil sa himalang ito, dagsa ang pumunta sa St. Clare lalo na noong 2012.
-----
Kaibigan, ang gintong kampana ay hnd napunta sa mamatid kundi sa Bayan ng Cabuyao sa St. Policarp parish, at itoy pinahukay ni Marcos sa mismo ilalim ng altar ng simbahan. Pero sa tingin ko hnd ito hinukay kundi binuksan lang ang daanan pailalim ng simbahan dahil lahat ng luma simbahan ay meron basement or storage.
ReplyDelete