Sunday, October 10, 2010

Kasaysayan ng Cabuyao sa Laguna

Kasaysayan ng Cabuyao

Nang dumating ang mga Kastila, ang Cabuyao ang naging Poblacion ng "Tabuco”.

Ginawa nila ito bilang sentro ng pamahalaan.

Ang unang bayan sa Laguna.

Ang pangalang "Cabuyao" ay nagmula sa puno ng kabuyaw.

Ang lawak ng Cabuyao ay mula sa San Pedro City kilala bilang Barrio San Pedro de Tunasan,

Biñan City dating kilala bilang Brgy. Malabanan, Sta. Rosa City hanggang sa Calamba City at hinati dahil ang mga barangay ay naging hacienda ng mga Prayle.

Ang San Pedro de Tunasan ay naging bayan noong Enero 18, 1725.

Ang Brgy Malabanan noong 1678 at naging Biñan.

Ang Barrio Bukol noon ng Biñan ay opisyal na naging isang bayan noong Enero 18 1792 at tinawag na Sta. Rosa de Lima.

Ang Calamba na Hacienda de San Juan Bautista ay naging bayan sa taong Agosto 28, 1742.




0 comments:

Post a Comment