Bayan ng Tabuco
Bago pa dumating ang mga Kastila, ang bayan ng Tabuco ay matatagpuan malapit sa sulok ng isang ilog at ang lawa ng Ba-i na ginawang bancas o balsa bilang karaniwang paraan ng transportasyon patungo sa bayan ng Tabuco.Maraming mga puno ng kabuyaw na tumutubo sa paligid ng lugar. Ang prutas ng kabuyaw ay ginamit bilang panggugo o pangpabango sa buhok at pangpalasa sa pagkain. Kaya, nang hiningi ng pari ang pangalan ng lugar, hindi ito naintindihan ng mga katutubong babae at inakala nila na ang tinatanong ay puno ng "kabuyaw". Mula noon, tinawag ng mga pari at iba pang mga opisyal ng Espanya ang bayan ng Tabuco bilang kabuyaw at isinulat ito na “Cabuyao”.
Ang kabuuang sakop ng Tabuco ay simula sa Brgy. Tunasan Muntinlupa City, San Pedro City ,Biñan City, Santa Rosa City , Cabuyao City, Calamba City at Sto. Thomas City sa Batangas.
0 comments:
Post a Comment